Ruffa Gutierrez, hindi totoong babalik ng Dos

ANG pelikulang “Si Agimat at Si Enteng Kabisote” ang hinirang na topgrosser sa nakaraang 2010 MMFF. Kumita ito ng total of P159M mula Dec. 25 hanggang Jan. 7. Very close second ang MMFF best picture na “Tanging Ina Mo (Last Na ‘To) with P157M. Third placer is “Dalaw” of Kris Aquino with P96M. Itong tatlong pelikula na lang ang palabas hanggang ngayon sa sinehan na festival entries kasi pumasok na ang mga bagong foreign movies. At kung sakali mang lampasan sa takilya ng “Tanging Ina” ang “Agimat at Enteng” in the coming days pa ay wala nang pakialam doon ang MMFF. Basta sa record nila na official two weeks ng 2010 MMFF run, ang hinirang nilang topgrosser ay ang pelikula nina Vic Sotto at Bong Revilla!

Sa top 10 movies of 2010, nasa top 2 pa rin ang “Agimat at Enteng” at “Tanging Ina 3”. Ang pumangatlo ay ang “My Amnesia Girl” nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga with P144M plus in the box-office.

Kung maaalala, showing pa rin ang “Amnesia Girl” sa ilang theatres hanggang Dec. 24 bago pa pumasok ang 2010 MMFF. For us, that makes John Lloyd still the undisputed Box Office King! Kasi with the case of Vic and Bong, they have to share the success of their movie!

***

Sinagot mismo ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi last Sunday ang mga intrigang lumabas na kesyo babalik na raw siya sa ABS-CBN at iiwanan na niya ang TV5. Nilinaw ni Ruffa na walang katotohanan ang lumabas na intriga sa mga dyaryo. Nagkataon lang daw na nagpatawag siya ng isang party para sa mga dating nakatrabaho niya sa ABS-CBN at na-misinterpret ito ng ilan.

“Kasi naman ang dami ko ring friends sa ABS-CBN. ‘Yung mga nakatrabaho ko sa The Buzz, Betty La Fea at Ruffa and Ai, we kept in touch with each other kahit lumipat na ako sa TV5. At last month nga, I decided to call them up for a get together kasi nami-miss ko na sila lahat.

Tapos nung nasa party, I kinda said to them na malamang magiging magkakatrabaho kami ulit in the future. Na-misinterpret ng ilan ang sinabi ko. Akala siguro, babalik na ako sa ABS-CBN. Pero pwede ring sila ang makatrabaho ko dito sa TV5 kung lilipat sila. Dito nga sa Paparazzi, ang staff dito ay galing pareho sa ABS at GMA,” paliwanag ni Ruffa.

Ibinulgar rin ni Ruffa ng hapong ‘yun sa Paparazzi na bati na sila ni John Lloyd Cruz at si JL daw mismo ang gumawa ng move para magkaayos na sila.

***

Pero bago pa tumaas ang kilay ng iba diyan, everything is okey sa pagitan nina John Lloyd at current girlfriend, Shaina Magdayao. In fact, kasama ni JL si Shaina sa 1@11 concert nina Gary V at Charice for Aficionado sa MOA. Isa si Lloydi sa celebrity endorsers ng Aficionado na Joel Cruz along with Erich Gonzales, Jason Abalos, Pauleen Luna (na pinalitan si Lovi Poe), Ronnie Liang at Ejay Falcon na pawang rumampa sa stage. Ano nga palang nangyari kay Dennis Trillo na isa ring endorser ng Aficionado?

Dream come true nga para kay Joel Cruz ang naturang concert na nagsilbing launching nina Gary V at Charice bilang latest endorsers ng Aficionado. Kasi naman bidang-bida siya sa show. Dalawang beses siyang lumabas at rumampa sa stage with his white flowing outfit! And take note nagpa-raffle pa siya ng 11 na franchise ng Aficionado at Joel Cruz Signatures outlets and boutique na nagkakahalaga ng P350,000 to P880,000!

As usual todo-bigay sa performance si Gary V na tumagal sa stage nang mahigit isang oras. Charice naman had 5 numbers. Isang duet with Gary V na Pyramid, isang medley ng current hit songs at 3 solo numbers!

First time naming napanood si Charice nang live at napabilib talaga kami sa kanya. Masaya niyang ibinalita na babalik siya sa Glee with 5 or 7 episodes!

Inantok lang ang mga tao sa performance ng UST orchestra at chorale group sa first part ng show na tumagal din ng isang oras.

Mistulang Paco Park Presents or Concert at the Park ang drama nila na hindi suited sa audience ng gabing yun na inaabangan ang energetic performance nina Gary V at Charice! Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply