Rules sa pagdinig ng kaso ni Ping, ilalatag

INIHAYAG ni Sen. Alan Peter Cayetano na nakatakdang ilatag ngayong linggo ang alituntunin o rules ng Ethics Committee na magiging gabay sa pagdinig ng reklamo sa kapwa senador tulad ng pagpapatalsik kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Ayon kay Cayetano, nagkaroon ng organizational meeting nitong nakaraang linggo na may panukalang muling rebyuhin ang alituntunin na gagamitin ng komite saka isulat ng miyembro ang kanilang suhestiyon o komento.

Aniya, mahalagang magkaroon muna at maaprubahan ang alituntunin na gagamitin ng komite upang mabigyan nang patas na pagdinig ang sinumang akusado.

Nauna nang ipinasa ng Ethics committee ang gagamitin nitong rules, saka nailathala alinsunod sa itinakda ng batas, ngunit ayon kay Cayetano, malamang magkaroon ng pagbabago sa alituntunin na tatalakayin ngayon sa pagbubukas ng sesyon.

Tiniyak naman ni Cayetano na magiging patas ang kanyang komite sa pagdinig ng anumang kasong ihahain laban sa sinumang senador upang maipakita sa taumbayan na walang kinikilingan o pinoprotektahan. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply