Ryza Cenon, takot mag-pose sa men’s magazine

NGAYONG balitang handa na siyang magpa-seksi, okey lang kay Ryza Cenon ang kissing scene pero may limitasyon ayaw naman siya at hindi sobrang torrid. Sayang nga lang naudlot ang kissing scene nila ni Aljur Abrenica dahil sa araw ng taping nu’n nagkasakit ang una.

BOYFRIEND NI RYZA AYAW PANOORIN ANG KISSING SCENE NG SYOTA

Aniya, attracted siya kay Aljur, hanggang du’n lang dahil mayru’n na siyang boyfriend. Isang non-showbiz at  four years na ang kanilang relasyon.

Okey lang daw sa boyfriend ang kissing scene dahil hindi naman niya panonoorin ang eksena.

Kontrabida ang role bilang si Marla, isang maganda at sikat na iskultor na mababaliw kay Machete.

Sexy at seductive si Ryza, feel ba niyang mag-pose sa anumang men’s magazines?

Takot daw siya dahil binabasa ang mga ito sa  comfort room. Hmmm, shocked kami sa tinuran ni Ryza. May pagka-malisyosa rin. Masama ba dadalhin at titingnan ang magazine sa CR? Well, takot lang siguro na pagnasaan ang byuti niya ng kalalakihan?

Okey lang daw sa pelikula at telebisyon  dahil  sandali lang ito makikita pero  ‘pag magazine daw puwede pa ito maitatago.

Isa pang leading lady ni Aljur ay si Bela Padilla, bilang Rosella, pangit ang mukha dahil sa sakit sa balat. Siya ang kasalukuyang katauhan ni Aginaya.

Siya rin si Aginaya, anak ng pinuno ng kalabang tribo ni Machete.

Kasama rin sina Rio Locsin, Ryan Eigenmann, Polo Ravales, Karen delos Reyes, Chariz Solomon, Gwen Zamora, Stephanie Henares at Zoren Legaspi.

“8 KINGDOM” SA TV5

Magsisimula na sa Lunes, Enero 24 sa TV5 ang bigating Asian series, may pamagat na “8 Kingdom” Bigatin pala ang Asian series na malapit ng mapanood sa TV5.

Top rating pala ang series na ito sa iba’t ibang bansa kaya naman hindi nakakapagtaka kung bakit todo-buhos din sa promotion dito ang TV5. May nagsabi na cast of thousands daw ito.

Nagtaka naman kami kung bakit magkakaroon ng libo-libong cast ito, pero nalaman namin ang ibig sabihin nu’n napanood namin ‘yung plug at ipinakita ang isang scene na mala-“Brave Heart” ang dating na libo-libong army ang sumusugod.

Siguradong ginastusan ng milyones para mabuo ang series na ito dahil hindi biro ang cinematography at action scenes nito. Mukhang maganda rin ang istorya dahil may love story din at guwapo at maganda ang bida.

Ayaw nang magkasyota
JEAN GARCIA  PA-DATE, DATE LANG ANG DRAMA

Blooming si Jean Garcia nang humarap sa kamakailan.

This time, inaapi ang role ni Jean. Pagkatapos magkontrabida sa katatapos lang na “Ilumina”,  aapihin naman ang byuti ng aktres.

Kung saan kumportable si Jean, bilang bida o kontrabida? Parehas lang daw. Pero mas exciting daw ang kontrabida role dahil marami kang mai-explore.

Para naman daw hindi nakakapagod  ang mga manonood sa kanyang pagka-kontrabida.

One after the other ang trabaho ni Jean bilang Kapuso talent.  Biro nga ng aktres, mamamatay  siya pag hindi makakaarte. Nais niyang palaging bisi. Kaya kung wala siya taping o shooting nasa bahay lang siya. Nagluluto kaya nga tumataba siya ng konti dahil masarap daw kumain.

Pasta at Filipino food ang kanyang madalas lutuin. Passion  niya talaga ang pagluluto.

Kumusta naman ang lovelife ni Jean Garcia?

Pa-date-date lang ang drama. Ayaw niya raw magkaroon ng syota, problema lang. Hindi naman daw politicians basta non-showbiz friends!

May nagsabi na anim daw ang dine-date ng aktres. May nagsasabi naman na tatlo. Alin kaya ang totoo? Joe Cezar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply