Mga kilos protesta magsasabay-sabay vs. fare hike sa LRT, MRT

Maglulunsad ng sabay-sabay na kilos protesta ang mga miyembro ng Riles Laan sa Sambayanan (RILES Network), Anakpawis at ang mga progresibong grupong Kilusang Mayo Uno, Piston, Courage, Kadamay at mga komyuter para ilahad ang kanilang pagtutol sa nakaambang pagtaas sa pamasahe sa MRT.

Ayon kay Sammy Malunes, tagapagsalita ng RILES Network, mahigpit nilang tinututulan ang pagtaas sa pamasahe sa MRT at LRT dahil responsibilidad ng gobyernong tiyakin ang episyente at abot-kayang serbisyo ng transportasyon sa mga mamamayan.
Aniya, hindi makatarungan ang pagtaas sa pamasahe dahil layunin ng gobyernong ipasa sa pribadong negosyante ang MRT at LRT. Unang hakbang lang ang pagtaas sa pamasahe para tuluyan ng isapribado ang MRT at LRT.
Matapos umano  nito, limpak-limpak na tubo ang mapupunta sa mga negosyante habang hindi na makakayanan ng ordinaryong komyuter ang mataas na pamasahe dito.

Layunin ng grupo na hikayatin ang mga mananakay na kumilos para tutulan ang pagtaas sa pamasahe.
Mangangalap muli sila ng pirma at mamimigay ng mga “sticker” sa mga pasaherong sasakay.

Anila, simula pa lang ito ng ikinakasa nilang kaliwa’t kanang protesta laban sa pagtaas sa pamasahe. D’Jay Lazaro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply