Sabwatan ng insurance company at carnappers, tatalupan

IPINASISIYASAT ng isang kongresista sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad ng sabwatan sa pagitan ng mga car insurance companies at sindikato ng carnappers.

Malaki ang paniwala ni Iloilo Rep. Jerry Trenas na kaya malawak ang operasyon ng sindikato ay may kasabwat ito hindi lamang sa mga pulis o mga otoridad kungdi maging sa seguridad ng sasakyan.

Posible aniyang ipinapasa ng sindikato ang mga ninanakaw na sasakyan sa mga car insurance companies upang legal at walang aberya na maiparehistro sa Land Transportation Office (LTO).

Sinabi pa ni Treñas, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability na may mga nakalap siyang impormasyon na nagsasabing karaniwang pinupuntirya ng mga karnaper ang mga sasakyang katulad na modelo at kulay ng mga nawasak sa mga matinding aksidente.

Ibinibenta aniya ang rehistro, opisyal na resibo at iba pang dokumento ng mga naturang wasak na sasakyan sa mga sindikato upang magamit bilang malinis na papeles ng mga nakaw na behikulo.

“My sources tell me that the engine number and the serial in the chassis of the stolen vehicles are replaced with numbers that appear in the engine and chassis of the condemned vehicles. With this, the
hot cars will take the place of the condemned vehicles and hence, they become perfectly legal,” sinabi ni Trenas.

“It seems the PNP and even the Land Transportation Office are not implementing measures that would ensure that the documents of condemned vehicles should be completely written off the LTO database and that allows our carnappers to do business,” dagdag pa ng kongresista. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply