Sakit na kalimot at right against self-incrimination

DUMALO ba kayo kahapon, mga Bro, sa pagdinig ng Senado ukol sa kaso ni ex-General Carlos Garcia kaugnay ng kasong P303 milyong plunder at money laundering?

Ano ang masasabi ninyo sa mga naganap? Meron bang nangangamoy at mabahong-mabaho.

Pero alam ba ninyo kung ano-ano ang mga iyon?

Ang ULTIMATUM ay nababahuan nang husto at sa susunod na pagdinig pa siguro magkakaroon ng linaw sa ating utak.

Kasi naman, tuwing may tinatanong, halimbawa sa mga bank account at deposit at withdrawal dito, sumasagot agad ito ng “I invoke my right against self-incrimination.” Ayaw ng dating heneral na nagsasabi noon ang mabingwit sa sarili niyang bibig at baka mabilanggo pa siya ulit.

Kahit sa mga inosenteng usapin, ganundin ang pinagsasabi niya kaya pinagalitan siya.

Itong isa namang dati ring heneral, mga Bro, ay naging makakalimutin. “I cannot recall,” tugon niya kung ilang beses na may nagdadala sa kanyang opisina ng kung   ilang milyon buwan-buwan.

Retirado na kasi ito at maaari ngang dinatnan na ng sakit na kalimot.

Isang dating heneral naman ang galit sa pagdadawit sa kanya sa kalokohan. Wala raw siyang tinatanggap na kahit singkong duling para sa sarili niyang bulsa kahit pa may kernel na nagsasabi nito.

Saan kaya patutungo ang imbestigasyon na in aid of legislation ukol sa usapin?

Makapaghuhugas ba ng kamay ang mga pinagsususpetsahang kawatan sa pera ng mamamayan?

MAKATI NA NAMAN

Tsk! Tsk! Tsk! Ano na ang nagaganap sa Makati City?

Noon, sinalanta ang lungsod ng tagas sa langis.

Ngayon naman, hindi pa natatangay ng hangin ang pulbura ng bomba na pinasabog sa isang bus na ikinamatay ng lima katao at ikinasugat ng 13 iba pa, may malagim na namang disgrasya na naganap kahapon sa parehong lungsod.

Patay ang 10 obrero na gumagawa ng 40 storey building.

Condolence po!

PAGING DEPED: EXPIRED NA TIKET

Dito po sa Malhakan Elementary school, nagkontribusyon ang mga magulang ng P30. May tiket naman sa magic show, P25. Aprubado raw po ng Deped. Pero expired pa yung tiket, Jan 28 ang  show. Wag niyo pong isulat ang number ko.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply