Salbaheng pulis, ikulong

ITO ang naiiritang panawagan ng isang dating heneral ng Philippine National Police (PNP)na si Antipolo Rep. Romeo Acop sa pagsasabing “kulang na nga sa kagamitan, korup pa at walang disiplina.”

“Kung ang pinuno nila ay korap, ano pa ang maasahan natin mula sa kanilang tauhan? Ang pinuno ang mainam na pagganyak at halimbawa para tularan  ng mga tauhan,” ayon kay Acop.

Dahil dito, iminungkahi ni Acop na kailangan repasuhin ang pagsanib at pagsasanay ng tauhan ng PNP at palakasin ang liderato nito mula sa pinakamataas na ranggo.

Binigyang diin pa ng kongresista na kailangan ding magtatag ng independent body katulad ng internal affairs department ng PNP na siyang uusig at magpapakulong sa scalawags na pulis upang isalba ang organisasyon upang hindi ito lalong malugmok sa kahihiyan.

Inihayag ni Acop na aabot sa 2,000 kaso sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang nakabinbin ngayon laban sa mga tiwaling pulis at nahaharap sa administrative cases o 1.5 porsiyento mula sa kabuuang 135,000 na pulis sa buong bansa. Meliza Maluntag

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply