Salot sa PSC aarangkada sa Pebrero?

KUNG may trigger happy sa baril, ano ang tawag sa mananabas na walang gamit na tabak?

Noong Disyembre ng nakaraang taon, maraming sinibak na kawawang casual employee sa Philippine Sports Commission (PSC) kaya naman nangangamba ang ibang natirang empleyado dahil may napababalitang malakihang sibakan ang magaganap sa darating na Pebrero.

Ayon sa impormante ng Remate naka-umang na ang tabak ng dating atleta na nabigyan ng puwesto sa PSC upang iwasiwas sa 60 empleyadong nasa listahan nito ang kanyang maitim at karumaldumal na balak.

Parang bulldozer kung gumawa ng desisyon ang dating atletang natanggal sa NSA dahil ayon sa mga empleyado ay mas makapangyarihan pa ito sa chairman ng PSC.

Kung tawagin ito ay “manananggal” dahil hindi lang daw ito naninipsip ng dugo kundi sumisipsip din ito sa naglagay sa kanyang poder upang ayon sa impormante ay masabi lang na marami itong ginagawa.

Kaya naman bago lumala at madagdagan ang anila’y ‘heinous crime’ sa mga kawani ng PSC ay hubaran na nang kapangyarihan ang nasabing animo’y ‘manananggal’ at ‘kampon ng kadiliman’.

Ilang araw na lamang at Pebrero na kaya bakas sa mukha ng mga kawawang empleyado ng PSC ang pangamba na baka sila ang susunod na atakihin ng anila’y demonyitang ‘manananggal’ na ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply