Salpukan sa 86 NCAA volleyball semis

MAAGANG paluan sa pagitan ng 5-time defending champions San Sebastian at ng nag-aambisyong St. Benilde ang magbubuwena mano sa ika-86 NCAA Volleyball Tournament sa Enero 10 sa Emilio Aguinaldo College Gym.

Galing kapwa sa 2-linggong bakasyon, lalaruin ng Lady Stags ang Lady Blazers na iginupo nila ng makatatlong beses. Ang paluan ay gaganapin alas-dos ng hapon, pagkatapos ng labanan ng UPHSD at Letran at ng AU vs SBC sa men’s division. Ang ultimong laro sa women’s bracket ay sa pagitan ng UPHSD kontra San Juan de Letran Lady Knights dakong alas-4 ng hapon.

Ang top 2 teams ay magbabakbakan sa titulo sa best-of-three encounter kasunod ng single round semi-finals. RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply