Sambayanan dapat ‘sumali’ sa peace talks – Sec. Deles

HUMINGI ng tulong ang government peace panel sa publiko ukol sa ginagawang paghahanda para sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa iba’t ibang “peace fronts” sa bansa.

Ayon kay  Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Deles na mas magiging matagumpay ang GRP peace panel na maitutulak nito ang usapang pangkapayapaan kung may partisipasyon ang publiko. Nilinaw ni Deles na mahalaga pa rin ang kooperasyon ng taumbayan.

“Alam nating hindi ito kaya ng gobyerno lamang. Inasahan ang suporta’t kooperasyon at pagdarasal ng lahat ng mamamayan na subaybayan ito,” aniya. “Makilahok at iparinig sa dalawang panig ang pagnanasa talaga ng ating bayan na makamit talaga ang kapayapaan.”

Nakatakdang tumulak ngayong linggo ang mga miyembro ng government peace panel para sa nakatakdang informal meeting sa Oslo, Norway.

“Mataas ang ating kompiyansa na ngayong buwan ay mayroong significant developments na mangyayari on our many peace fronts,” ang pahayag ni Deles. Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply