Sandiganbayan: Ombudsman ang kusinera sa Garcia case

O ANO na ang ginagawa ng Ombudsman at Sandiganbayan sa mga kasong katiwalian na kinasasangkutan ni ex- Armed Forces Comptroller Hen. Carlos Garcia at ng asawa at dalawang anak ng mga ito?

Sa Estados Unidos, ganap nang inangkin ng gobyerno ni Barak Obama ang $100,000 o P4.4 milyong inismagel doon noong 2003 ng mga anak nina Garcia na sina Ian Carl Garcia at Juan Paolo Garcia.

Katwiran ni Judge Marilyn Hall Patel ng US Northern District Court of California na nabigo ang Ombudsman na i-claim ang salapi para sa gobyerno ng Pilipinas.

Sapat na umano ang publikasyon at notisya na pinalabas ni Patel at hindi umano kumilos ang Ombudsman.

Tsk! Tsk! Tsk! Kuwarta na, naging bato pa ang bahagi ng P303 milyong nakaw o tagong yaman ng mga Garcia dahil sa kapabayaan ng Ombudsman.

Ngayon ay babawiin ng pamahalaan sa mamamayan ang salapi mula sa mga toll, EVAT at kung ano-ano pang maiisip ng gobyerno na pagkakitaan?

Ano ba yan?

oOo

Ngayon naman ay nagde-deny ang Sandiganbayan na naluto na nito ang putaheng Plea Bargaining Agreement na binayo ng Ombudsman at kampo ni Garcia.

Sa PBA na yan, hindi na sasalang sa kasong plunder at money laundering si Garcia kundi sa direct bribery. Walang piyansa ang plunder samantalang mayroon ang direct bribery na dahilan ng paglaya ni Garcia sa kulungan kamakailan sa piyansang P60,000.

Sabi ng Sandiganbayan, bali-baligtarin man ang resolusyon ng hukuman ukol sa PBA, walang makikitang ni isang salita na nagsasabing naaprubahan na ito noon pang Mayor 4, 2010.

May kondisyon diyan na dapat tuparin sabi ng hukuman gaya ng pagsasauli ng nakaw o tagong yaman, sabi.

Eh P135 milyon lang ang gustong isauli ni Garcia!

Isa pa, naghugas kamay din kaagad ang Sandiganbayan sa pagsasabing hindi naman sila ang naghanda o nagpasimula ng PBA kundi mismong ang Ombudsman.

Ombudsman na naman?

Susmaryosep!

Anak ng milyones na putakte, sino sa inyo ang nagluto ng mapaklang kasunduan at madugas na pagsasauli ng dinugas na salaping bayan?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply