Sarah Geronimo, feeling Kim Chiu dahil nakapareha si Gerald Anderson

START  na mag-shoot sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ng pelikula.

“Hindi na po kami nakapag-workshop pero nakapag-usap.Okey naman, masaya,” bungad niya nang mainterbyu namin sa planong Valentine concert nila ni  Martin Nievera  sa Araneta Coliseum.

Ano ang feeling niya na bago ulit ang kapartner niya?

“May paninibago. Dati kay Sam (Milby) feeling ko ako  si Anne Curtis kasi  napapanood ko  sila. Ngayon naman,  feeling ko ako si Kim.

Magagaling naman at hindi naman sila aloof, okey naman sila,” sey pa ng Pop Princess.

Kumusta sila ni  Gerald?

“Eksakto lang si Gerald, hindi naman siya matsikang-matsika,” say pa ni Sarah. Sa Feb 14, si Gerald ba ang ka-date niya?

“May ganyan na? Advance.Trabaho po kami, mga  professional …hahaha,” reaksyon pa niya.

“Gusto ko po si Gerald .Gusto ko siya bilang tao. Mukhang masaya naman siyang katrabaho at saka work, work,  work talaga. Walang halong gimik,” tugon niya.

Cute siya?

“Oo naman.Maganda ang katawan. Bonus din sa lalaki na bukod sa guwapo maganda ang katawan,” aniya pa.

“Sana maging successful ang team-up namin ni Gerald,” wish pa ni Sarah.

So, sa  Valentine kayo ni Martin Nievera  ang magkasama?

“Si Martin , nasa US yata kaya first week ng Feb kami magre-rehearse.Buo na ang line up. Exciting dahil buo na ang lahat ng genre,” sambit ni Sarah.

Si Rowell Santiago  ang director ng concert at prodyus ng Viva Concerts.

-0o0-

Nagbigay ng pahayag ang programang ”Banana Split” noong nakaraang Sabado hinggil sa isang segment na ipinalabas noong Enero 1 kung saan inilahad ni Melai Cantiveros ang mga isyu, awayan, at expressions na dapat nang kalimutan sa pagsalubong sa 2011.  Kasabay nito, sinunog ni Melai ang ilang mga larawan na siyang kumakatawan sa mga alaalang ito.

Narito ang official statement ng “Banana Split”:

“Noong una ng Enero, umere ang isang segment sa aming programa kung saan sinunog ni Melai Cantiveros ang mga expressions, bagay, at issues na dapat nang iwanan sa 2010. Ikinalulungkot ng pamunuan ng ”Banana Split” na may mga nasaktan at nagalit sa nasabing segment.”

“Nais lang po namin magpatawa kaya lang nagkamali po kami sa paggamit ng larawan ng mga taong hindi na dapat na-involve. Kaya mula sa bumubuo ng ‘Banana Split,’ nais po naming humingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan ng aming programa.”

“Nais po naming iparating sa inyo na wala pong galit na namumuo sa puso ni Melai o sinumang sangkot sa aming produksyon. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.”

-0o0-

Itinanggi ng mga ASAP  Sessionistas na huling concert na nila ang Araneta Coliseum dahi mabubuwag na ang grupo. May alingangas kasi na may lilipat at pinipirata sa ibang network. Pare-pareho nilang sinasabi na meron pa silang contract .

Anyway, muling magpapakitang- gilas ang ASAP Sessionistas  sa pinaka-inaabangang konsyerto ngayong taon – “ASAP Sessionistas 20.11!” Live sa  Big Dome ngayong Pebrero 5.

Makinig at makiindak sa mga tugtuging handog ng hindi mapantayang ASAP Sessionistas na maghahandog ng mga kakaibang twist sa mga most requested hits ngayon.

Magbalik-tanaw kasama ang mga multi-awarded artists ng  ASAP Sessionistas na sina “Diamond  Soul Siren” Nina, ang nag-iisang “Queen of Acoustic Pop” Juris, ang “Knight of R&B” Duncan Ramos, ang “Big Band Crooner” Richard Poon, ang “Bossa Nova Diva” Sitti Navarro, at ang “Asian Acoustic Sensation” Aiza Seguerra. Kasama ring makiki-jam ang “Acoustic Princess” na si Princess Velasco sa inaantabayanang event.

Matatandaang isa lamang segment noon ang Sessionista sa longest-running variety show na ASAP. Ngayon,  isa na itong all-star ensemble.

Mula noon hanggang ngayon, patuloy na nagningning ang kasikatan ng grupo na nagdala sa kanila sa iba’t-ibang konsyerto mapa-dito man at maging sa ibang bansa, tulad ng Anaheim, San Jose California, New York at Guam. Napahanga rin ng grupo ang mga Pinoy sa California partikular na sa Toronto at Calgary.

Ngayong taon, mas magiging exciting pa ang pagtatanghal ng ASAP Sessionistas lalo na’t may kanya-kanya silang genre sa musika – acoustic, rock, bossa, soul r&b at pop.

Ang “ASAP Sessionistas 20.11” ay inihahandog sa  ng ASAP Live! at ng MJM Productions, sa direksyon ni Dido Camara. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply