Sasakyan ng DZMM anchor nakarnap sa QC

NABIKTIMA rin ng mga carnapper ang isang DZMM anchor kung saan natangayan ng kanyang 2010 Toyota Grandia, madaling-araw ng Huwebes.

Natangay ng hindi pa nakilalang mga suspek ang sasakyan ni DZMM anchor Carl Balita na may plakang ZSA 299 na  nakaparada sa parking lot ng Torre Venezia sa Timog Ave. kanto ng Mo. Ignacia sa Quezon City.

Ayon kay Balita, malaki ang posibilidad na bandang madaling-araw pa natangay ang kanyang sasakyan at umaga na lamang  ito  napansin ng security guard.

Nabatid na may nakakita ng pagtangay sa kanyang sasakyan kung saan mayroon umanong nagbukas ng  isang matabang lalaki.

Dahil dito, nakiusap si Balita sa sinumang makakakita ng kaniyang sasakyan ay ipagbigay-alam agad ito sa Philippine National Police (PNP).

Ayon pa kay Balita, madali namang  makikilala ang sasakyan dahil mayroon itong malalaking stickers ng kaniyang mukha sa tagiliran, unahan at likod ng sasakyan at may nakatatak na Carl Balita Review Center.

Kaugnay nito, nagpalabas na ng nationwide flash alarm ang PNP Highway Patrol Group (HPG) at Quezon City Police District (QCPD). Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply