Sasakyan ng pinsan ni Mar Roxas tinangay ng carjackers

TINANGAY  ng mga carjackers ang sport-utility vehicle ng pinsan ni  dating Senador Mar Roxas sa Makati City, umaga ng Miyerkules.

Ayon sa report ng dzBB, dalawang armadong lalaki ang lumapit sa black Land Cruiser SUV na pag-aari ni Margarita Fores, isang businesswoman, at pinalo ng baril sa ulo ang driver nito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-park umano ang dalawang suspek sa tabi ng SUV ni Fores sa Dela Rosa Street, Makati City at kaagad pinalo ng baril ang driver nito na si Robert Villanueva upang maagaw ang manibela.

Tinangay ng mga di nakilalang suspek ang sasakyan na pumasok sa  one-way street ng naturang siyudad.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply