Secret marshall binuhay ng NCRPO

BINUHAY ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagtatalaga ng police secret marshall sa mga pampasaherong bus kaugnay sa pagpapasabog ng Newman Goldliner aircon bus sa EDSA-Buendia, Makati City.

Sinabi ni NCRPO Director Nicanor Bartolome, ang police marshall ay mabisang paraan para mahadlangan ang anumang planong terorismo at ibang uri ng kriminalidad na maaaring maganap sa sasakyan.

Nilinaw naman ni Bartolome na hindi lahat ng 7,000 bus na bumibiyahe sa Metro Manila ay lalagyan ng police marshall kundi random at selective lamang.

Dahil nasa full alert status aniya ang Philippine National Police (PNP), asahan na ang karagdagang pulis sa mga lansangan at pampublikong lugar.

Nanawagan naman si Bartolome sa publiko na manatiling kalmado dahil ginagawa nila ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng mamamayan ng lungsod.

Nilinaw ng NCRPO chief na ang  Al Khobar ay isa lamang sa marami nilang tinitignan sa mga may kagagawan sa Makati City bombing.

May posibilidad din na may gustong iparating na mensahe ang Al Khobar group sa awtoridad  na nakarating na sila sa Metro Manila. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply