Seguridad sa pier, terminals hinigpitan

KASUNOD ng pagsabog ng isang bus sa Makati kahapon na ikinamatay ng lima katao at ikinasugat ng iba pa ay hinigpitan pa ng awtoridad ang pagbabantay sa mga vital installation sa Metro Manila, partikular ang mga pier at terminals.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Commander Armand Balilio, nasa heighten alert ngayon ang mga pantalan para makaiwas at matiyak ang seguridad ng mga pasaherong nagsisipagdating at umaalis ng pier sa Maynila.

Sinabi rin ni Balilio na ang mga miyembro ng PCG at bomb-sniffing dogs ay tumutulong na rin sa lokal na pulisya sa pagsasagawa ng security checks sa mga pasahero sa Manila North at South harbors, maging sa iba’t ibang istasyon ng Light Railway Transit stations.

Samantala, naglibot din si Manila Police District Police Chief Superintendent Roberto Rongavilla sa ilang LRT stations, malls at bus stations sa lungsod, 8:30 ng umaga kanina kasama ang station commanders. Jocelyn Tabangcura- Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply