Sekyu patay sa kapwa sekyu

PATAY  ang isang sekyu nang pagbabarilin ng kasamahan niyang guwardiya matapos paghinalaan ng una na dahilan kaya siya nalipat ng puwesto sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng baril si Noel Oliver, 45, ng Area D, Camarin.

Kusang loob namang sumuko sa mga pulis si Raul Villafranca, 44, ng General T. de Leon, Valenzuela City.

Sa ulat, dakong 7 ng umaga, kinausap ng suspek ang biktima sa binabantayan nilang Orient Plastic Factory sa Sitio Gitna, Kaybiga dahil sa hinala ni Villafranca na si Oliver ang nagsusulsol sa kanilang amo upang mailipat siya ng puwesto.

Umiwas si Oliver at pumasok sa kanilang barracks subalit sinundan siya ni Villafranca at pinagbabaril.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa VGH habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply