Seminar ng bus & truck drivers dinumog sa TESDA

Sa ikalawang araw pa lamang ng seminar ng mga bus at truck drivers, dumagsa na ang mga nakilahok sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Taguig City kaugnay sa  pagbibigay ng “Road Safety Seminar”.

Halos magsikip ang Women Center, ng TESDA na pinagdarausan ng seminar makaraang magpalabas ng bagong requirement ang Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kinakailangang sumailalim muna sa pagsasanay ang mga bus drivers at makakuha ng akreditasyon
buhat sa TESDA bago pa makapagmaneho.

Ilan sa puntong pinagtuunan ang kaligtasan ng mga pasahero at pagmamaneho sa long and short distance driving, matipid at ligtas sa kapaligiran.

Anim na araw tatagal ang seminar na nagsimula nitong Lunes at magtatapos sa Sabado na inaasahang lalo pang dudumugin ng mga drivers upang makakuha ng National Certificate Level 3.

Matatandaang sunud-sunod na aksidente ang kinasangkutan ng mga bus drivers sa iba’t ibang parte ng bansa na naging dahilan kung bakit pinagdudahan ang kakayahan ng mga ito. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply