Sen. Lapid susuporta kay Pacquiao sa ‘Atletang Pinoy’

SUPORTADO ni Senate Games and Sports Committee Chairman Lito Lapid ang mga panukala ni Saranggani Congressman Manny Pacquiao ukol sa pagbibigay benepisyo sa mga atletang Filipino.

Ayon kay Sen. Lapid, babalikatin nila ni Congressman Pcaquiao upang maisulong ang mga programa para sa kapakanan ng mga manlalarong Pilipino.

Ipinaliwanag ni Lapid na ang mga malalarong Pinoy ang nagbibigay ng pride and glory sa bansa pero kadalasan ay hindi ito napag-uukulan ng pansin ng pamahalaan.

Nauna rito, inihain ng Senador ang Senate Bill No. 33 o ang the Boxer Welfare and Pension Act na naglalayong mabigyan ng suporta ang mga boksingero sa panahon ng kanilang pagreretiro pati ang mga nasugatan dahil sa pakikipagbakbakan sa boxing arena.

Bukod dito, nakabinbin din sa Senado ang panukalang batas ni Lapid sa benepisyo hindi lamang ng atleta kundi pati na rin ang insentibo ng coach at mga trainers. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply