Sensor laban sa landslide dapat isulong at pondohan

MAY mga dapat na pagtuunan ng pansin ng lahat, lalo na ang mga onorabol.

Kaugnay na rin ito, Suki, ng panganib na idinudulot nang sira-sira nang kalikasan.

Dahil sa sira-sirang kalikasan, naririyan na ang mga siyam-siyam na ulan na nagpapahina sa mga kabundukan.

Derpor, andiyan ang grabeng lanislayd.

Itong lanislayd, Suki, ay talaga namang nakatatakot.

Wala talagang kalaban-laban si Juan dito.

Imadyinin na lang natin na nasa lugar tayo ng mga gumuguhong kabundukan.

Kasama ng mga gumuguho ang katakot-takot na tubig baha.

Tapos himbing na himbing tayong natutulog sa dilim ng gabi.

Ano sa palagay ninyo ang mangyayari?

Sa Brgy. Ginsaugon, St. Bernard, Leyte, hapon at maliwanag pa nang maganap ang malakas na pagsabog sa kabundukan, kasunod ang lanislayd
at pagragasa ng mga tubig-baha.

Nang makita ng mga tagaroon ang nagaganap, may mga tumakbo at sumaklolo sa iba ngunit sa kawalan nauwi ang lahat.

Naging instant sementeryo ang lugar para sa nasa 1,000 kataong nalibing nang buhay.

Paano kung maganap ito sa oras nang mahimbing nating pagtulog sa kalagitnaan ng gabi?

Por diyos por santo, huwag naman sana.

oOo

Kaugnay nito,  magtagumpay sana ang sensor laban sa lanislayd na ginagawa ng University of the Philippines.

May ilang piraso na ginawa at ang isa ay ibinaon sa lupa sa St. Bernard, Leyte.

Yung iba ay ilalagay din sa ibang lugar na sinasabing palaging natatamaan ng mga lanislayd.

Napili ang St. Bernard na unang pinaglagyan ng sensor dahil dito naganap ang nabanggit na nating lanislayd.

Hanggang sa mga araw na ito, naglalanislayd pa rin diyan.

oOo

Para sa hindi gaanong nakaiintindi, ang sensor ay parang yung mga signal light ng sasakyan na patay-sindi kung nakahinto o nasiraan.

O parang usok din kung may apoy o sunog o kaya’y warning shot sa anomang bagay.

Kahit malayo ka, makikita o maririnig mong may problema kung may mga signal light o usok o tunog.

Kahit papaano, mayroon ka nang mabubuong gawin para sa iyong kaligtasan at sa iba.

Ewan natin kung paano inihahanda ng Department of Science and Technology at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang mga kagamitang ito.

Lalo na ang pagkokonek nito sa mga komunidad ni Juan upang magbigay ng warning shot para sa kaligtasan.

Mayroon bang magkakalembang o sirena na lilikhain ng sensor sa kalagitnaan ng mga komunidad?

Kasi kung sa mga opisina lang ng mga taga-DOST at PAGASA tutunog ang mga yan, wala ring silbi.

Sila lang ang maliligtas sa lanislayd at hindi si Juan,

oOo

Kapag nagtagumpay ang kagamitang ito, dapat nang maghanda ang pamahalaan ng pondo para sa paggawa ng marami nito.

O mga senador na may P200 milyong pork barrel at kongresman na may P70M taon-taon, paano ito, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply