Shaina Magdayao, binigyan ni John Lloyd ng P500K na singsing

KASALAN na ba ang kasunod matapos ng magbigay ng mamahaling singsing itong si John Lloyd Cruz sa kanyang gf na si Shaina Magdayao?

Yes, worth half million ang binigay na singsing ni John Lloydie sa kanyang gf na si Shaina.

Hindi naman daw ito hiniling o pinabili ni Shaina at ayaw naman daw nitong mabansagan na bilmoko.

Kusang loob daw itong ibinigay at iniregalo sa kanya ng kanyang nobyo na si John Lloyd at hindi niya ito inutusan.

Nagulat nga mismo ang kampo ni Shaina ng malaman na half million ang halaga ng singsing na bigay ni John Lloyd sa kanya.

Pero ang bigay na singsing ay hindi daw ibig sabihin na magpapakasal na sila ng kanyang bf na si John Lloyd dahil hindi naman daw ito engagement ring kahit pa nagkakahalaga ito ng half million pesos.

Ayon sa tsika ng aming tsismosang kapitbahay na mas mahal pa sa half million ang ibibigay na wedding ring ni John Lloyd kung si Shaina na nga ang babaeng ihaharap nito sa dambana.

Kung ang kampo ni John Lloyd ang tatanungin ay gusto na nila na si Shaina na ang makatuluyan nitong mahusay na aktor.

‘Yun na!

***

Juicy, mawawala na nga ba sa ere?

DAHIL naman sa pagkakaroon ng kanya-kanyang show sa Kapatid network nitong mga host ng Juicy na kinabibilangan nina Cristy Fermin, DJ Mo, Alex Gonzaga at IC Mendoza ay may bulung bulungan na matsutsugi na ito.

Ayon naman sa sitsit ng aming tsismosang kapitbahay ang dahilan daw ay ang pagkakaroon ng sariling soap nitong si Alex na Babaeng Hampaslupa na malabo nang makarating ito sa teyping ng Juicy, si Mo naman ay regular din sa Willing Willie, si IC naman ay mainstay din ng PO5 kaya parang imposible na makaya pa ng mga host na ito na gumising ng maaga.

Pero ang nakakalokang sitsit ng aming tsismosang kapitbahay ay itong mahina naman daw ang rating at hindi makaariba kaya nag decide na ang management na sibakin na itong Juicy.

Kahit nga ganun ang kasasapitan ng Juicy ay marami naman ang natuwa sa pagkakaroon ng sariling programa nitong si Alex at panahon na nga raw para naman daw mabigyan ito ng big break at ito na nga ang Babaeng Hampaslupa na malapit ng masimulan at ito ang magsisimula ng pagbabago sa career ni Alex.

***

Madam Auring, nagbanta kay Mommy Dionisia na hahadlang sa paggawa ng movie na ‘May Asim Pa’

ALAM naman ng pipol of the world dito sa Pinas ang katagang May Asim Pa at kilalang kilala dito si Madam Auring.

Kaya naman ng malaman nitong gagawin na ang May Asim Pa na mismong titulo ng kanta ni Madam Auring ay nagulat naman itong controversial na fortune teller.

Takang-taka siya na bakit hindi siya kasali sa movie samantalang sa kanya nagsimula ang tanyag na salita na May Asim Pa.

Kaya naman nagbanta si Madam Auring na kapag hindi siya isinama sa pelikula na ang title ay ang kanyang kanta at hindi naman humingi ng pahintulot na gamitin itong titulo sa movie pipigilan nito kuno ang paggawa ng pelikula na nanay ni Manny Pacquiao.

Maghahabol siya hanggang korte kaya para raw walang gulo isama na siya sa kanyang sariling awitin na magiging movie na rin na pagbibidahan ni Mommy Dionisia Pacquiao minus Madam Auring. Abangan!  Jovi Lloza

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply