Shalani Soledad, ibinabahay na ni Willie Revillame?

KALAT na kalat na ‘yung isyung ibinili na ng bahay ni Willie Revillame si Shalani Soledad. Kung paniniwalaan ang mga kuwento, tila nga yata sina Shalani at Willie na.

Pero kami, we would like to believe na nasa courtship stage pa lang ang dalawa at medyo malayo pang maging sila. Kung anuman, their relationship is only for television. Para maging masaya ang mga tagahanga nila sa Willing Willie.

But if it is indeed true na sila na nga, we are very happy for them.

Sa set nga ng Paparazzi na umano, may bahay na raw bibilhin si Willie Revillame para maging love nest nila ni Shalani Soledad.

Ito raw ay in case, magpakasal na silang dalawa. At ang napili raw na bahay ni Willie ay sa Forbes Park, Makati.

Usap-usapan si Willie dahil magse-celebrate ito ng kanyang 50th birthday.

Nang tanungin si Cristy Fermin, kilalang malapit kay Willie, tungkol sa bahay ni Willie sa Forbes Park, natawa lang si Cristy. Wala raw siyang alam doon. Kung tungkol daw sa bahay, marami na raw bahay si Willie.

“Malay natin kung gusto talagang maging special si Shalani sa buhay ni Willie, kaya may bagong bahay naman si Willie,” tsika ni ’Nay Cristy.

Speechless din si Cristy kung talagang sina Willie at Shalani na talaga ngayon.

Sa taped interview kay Willie, ibinalita nitong magpapagawa siya ng school para sa mga batang mahihirap.

Tutulong daw siya  sa iba hanggang makakaya niya, pero hindi niya siyempre kalilimutan ang kanyang mga anak, at tiyak na raw na may mamanahin ang mga ito sa kanya. Cesar Pambid

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply