Shell at Chevron nagtaas ng presyo ng langis

NAGPATUPAD muli ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Nagtaas ang Pilipinas Shell ng P0.50 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.25 sa kada litro ng diesel at kerosene bandang 12:00a.m.

Ilang oras lamang ang nakalipas nang sumunod na nagtaas ang Chevron na may kapareho ring presyo bandang 6:00 a.m.

Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang itituturong dahilan sa panibagong oil price hike.

Samantgala, nagpaplano na ang ilang transport group ng mga kilos-protesta  bunsod ng naturang pagtaas.

Nabatid kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) Secretary Genaral George San Mateo, ipababatid nila sa Malakanyang ang kanilang hinaing upang ipakita kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagkadismaya ng mga tsuper sa kabiguan ng kasalukuyang administrasyon na ibasura ang Oil Deregulation Law.

Inihayag naman nina Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren de Luna at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Zenaida Maranan na magsasagawa rin sila ng kani-kanilang kilos-protesta upang tutulan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply