Sidewalk vendors sa Baclaran winalis na ng MMDA

ISINAKATUPARAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis ng mga sidewalk vendors na nakahambalang sa lansangan sa Baclaran, Paranaque City, Biyernes ng umaga.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, inokupa ng mga vendors ang mga bangketa ng naturang lugar mula pa noong Christmas season at napapanahon na upang ibalik ang sidewalk sa publiko.

Naunang nakipagpulong si Tolentino sa mga sidewalk vendors kung saan  binigyan niya ng taning hanggang Enero 2, 2011.

Mahigit kumulang sa 750 sidewalk vendors ang pinaalis sa kahabaan ng Redemptourist Road, Roxas Boulevard, at Taft Avenue.

Nalinis ang mgas bangketa kasama na ang railing ng  MMDA OVR Terminal sa tulong ng Sidewalk Clearing Operation Group. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply