Sigaw ng fans: Kim Chiu huwag itambal sa mga gurang!

MARAMI kaming  text messages na natatanggap sa aming programang ‘Showbiz Na Showbiz’ over DZME 1530 (www.dzme1530.com) na humihiling na tulungan silang iparating sa ABS-CBN management na pagtambalin sina Kim Chiu and Robi Domingo dahil ito umano ang kanilang susuportahan after Kimeralds.

Naawa naman kami sa kanila dahil denededma ang kanilang kahilingan base sa text messages pero hanggang ngayon ay nangangapa pa rin sila sa dilim.  Ayaw nilang makatambal ni Kim si Piolo Pascual na balitang may pelikulang gagawin ang dalawa dahil base sa agwat ng edad ng dalawa ay puwedeng maging tiyuhin lang nito ang aktor o maging tatay.  Gan’un din kay Zanjoe Marudo at Jason Abalos.

Nakatsika namin si Robi sa nakaraang Christmas Party ng ABS-CBN Star Magic at napansin namin, isang much improved Robi ang aming nakita habang nag-host ng nasabing okasyon.  Kita namin sa kanya ang pagiging ‘wholesome star material’ and he will make a pretty tandem with Kim.

Ramdam namin ang kanyang nag-uumapaw na self-confidence kaya siguradong panghihinayangan namin kung ilang taon lang ang kanyang pananatili sa showbiz kung hindi siya magtagumpay at magko-concentrate na lamang sa pag-aaral.

Inamin nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang kanyang feeling towards Kim, crush pa rin niya ito hanggang ngayon.

Ikinagulat nga nito ang ibinalita namin na gusto ng kanyang tagahanga na maging magka-loveteam sila ng aktres.  Nakangiti siya na parang gustong-gusto ang idea pairing him with Kim.

ANGELICA JONES, UMAMING MAS GRABE ANG INTRIGA SA POLITIKA

INAMIN ni Angelica Jones na naging kakambal na nito ang intriga mula nang pumasok siya sa showbiz pero ngayon ay nakangiti na nitong masasabing nalampasan na niya ito.  Alam niya noong una pa lamang na kasama talaga ang intrga at tsismis sa showbizness kaya naman, tinawanan na lang niya ito ngayon dahil nalampasan na nito ang nasabing bahagi ng pagiging artista.

Aniya, “It’s a part of showbiz.  Talagang hindi mo mapi-please lahat.

Huwag ka nang mag-showbiz kung hindi ka sanay dito and besides, dito sa politika ay mas grabe ang intriga compare sa showbiz.  Kaya para sa akin, hindi ko na rin pinapansin ang ganu’ng mga bagay. Binibigyan ko na lang ng attention ang mga mas nangangailangan ng tulong.”

Inamin nito ang kanyang pinakaintrigang nakuha sa pagiging public servant nito ay ‘yung may nakakabangga siyang kapwa-pulitiko dahil sa kanyang paninindigan pero ipinagmamalaki nito na lagi siyang nanalo sa session.

“Ipinagmamalaki ko na mas marami akong resolusyon na na-approve at nagagawa kong batas.  Napatunayan ko sa Sangguniang-Panlalawigan na isa akong mambabatas talaga.”

Kamakailan lamang nang nagkita kami ng iginagalang na Board Member ng Pangasian sa Timog branch ng Calayan Surgicenter. Hindi agad namin siya nakilala dahil nanibago kami sa kanyang anyo.  Noong huli naming pagkikita ay sa proklamasyon ni Bong Revilla sa muli nitong pagpanalo sa pagka-senador, mataba si Angel at kahit nakasuot siya ng gown with matching balabal ay halata pa rin ang pagka-voluptuous nito.

In fairness, pumayat siya sa aming muling pagkikita at natuwa naman kami dahil epektibo ang serbisyo ni Dr Manny Calayan sa pagpapayat ng actress/politician at talagang kitang-kita ang magandang hubog ng katawan.  Pati ang pangingitim nito na dulot ng nakaraang pangampanya ay nawala.  In short, balik siya sa pagka-flawless. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply