Sikat na Pinoy chess player lulong sa casino?

ISA sa magandang performance sa larangan ng sports ay ang chess kung saan nakapag-uwi ng silver medal ang Pilipinas sa nakaraang Asian Games na ginanap sa Guangzhou China.

Maganda ang ipinakita ng Pinoy woodpushers na kinabibilangan nina super grandmaster Wesley So, GMs Joey Antonio, John Paul Gomez, Darwin Laylo at Asia’s first grandmaster Eugene Torre.

Subalit sa nasabing miyembro ng Philippine team sa chess, may napapabalitang madalas nakikita sa casino at nalululong sa sugal kaya naman nitong pagpasok ng taon ay naging tahimik ang kanyang paglalaro.

Ayon sa nagbigay ng impormasyon halos sa sugalan na natutulog ang grandmaster na ito at palaging puyat pero kapag naglaro umano ito ay hindi mahahalatang puyat dahil nakapustura itong pupunta sa venue at ang kalalabasan ng laro ay tabla dahil pagod ang utak sa kasusugal.

Halos sa casino napupunta ang mga perang napapanalunan niya sa maliliit na tournament sa Amerika.

Clue: Magaling sa Caro-Kann defense at nasa top 5 ng Philippine Rating list ang  Pinoy GM na ito at noong isang taon ay inalis siya para maglaro sa chess Olympiad subalit napagbigyan ring maglaro pagkatapos maghain ng protesta.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply