Singapore tagilid sa PHL Razcals

TAGILID umano ang tropa ng Singapore sa kanilang paghaharap matapos manalo ang mga Pinoy ng puwesto sa finals sa Mustang division ng Pony Baseball Asia-Pacific Zone Championship nang sikwatin ang 21-16 win laban sa Indonesia sa Vin Yen baseball field sa Vinh Phuc Province, Vietnam.

Ang match ay tabla sana sa iskor na 15-all makaraan ang four innings bago hinigpitan ng Philippines na may palayaw na Razcals ang kanilang depensa.

Dito ay hindi na pinayagan ng PHL team ang mga Indonesians na makaiskor sa final two innings.

At ito tuloy ang dahilan para makuha ng mga Pinoy ang 3-0 sweep sa kanilang matches sa four-team, single-round robin elimination.

Mas pinapaboran na mananalo ang team na pinadala ng Philippine Tot Baseball Federation (PTBF) matapos unang hiyain ang Singaporeans sa iskor na 13-3 sa unang pagsagupa nila rito kamakailan. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply