Singil sa kuryente bababa ng todo

BABABA nang todo ang singil sa kuryente kapag naitayo na ng Manila Electric Company ang combined-cycle power plant na kanilang gagastusan ng $150 milyon upang magkaroon ng sariling pagkukunan ng kuryente.

Ito rin ang magiging simula ng pagpasok ng Meralco sa larangan na dati ay nakadepende lamang sa power generation sa kumpanya ng Lopez na WESM,  ang NAPOCOR na pag-aari ng gobyerno, at iba pang independent power producers.

Sa  taong 2012 pa matatapos ang nasabing proyekto ayon kay Manny Pangilinan, presidente ng Meralco.

At kapag gumana na ang 150 megawatt na planta ay makararanas na ng gaan sa bayarin ang mga kostumer ng Meralco sa kanilang generation charges.

Wala umano silang partner sa pagtatayo nito kundi sariling pondo ng kumpanya at ilang utang sa mga bangko.

Dagdag pa ni Pangilinan na target nila sa 2016 ang makapagtayo na rin ang Meralco ng coal-fired at natural -gas power plant para lalong mapababa pa ang binabayaran ng mga konsumer. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply