Singson bukas na haharap sa korte sa Hong Kong

BUKAS  na (January 26)  haharap sa korte ng Hong Kong si Ilocos Norte Rep. Ronald Singson upang pumasok  sa isang plea bargaining agreement kaugnay sa kaso ng droga na kaniyang kinasasangkutan.

Inihayag kahapon ni Ilo-Ilo Rep. Neil Tupas, chairman ng House Committee on Justice na agad isasagawa ng kaniyang komite ang imbestigasyon sa kaso ni Singson sa sandaling maghain ito ng guilty plea.

Sa pagdinig na ito ay magdedesisyon aniya ang mga mambabatas kung tuluyan ng aalisin si Singson bilang kongresista o susususpendihin lamang.

Kapag ito ay nakarating sa plenary ay magbobotohan ang mga mambabatas sa pamamagitan ng 2/3 na boto o 189 na kongresista sa kabuuang miyembro ng Kamara na 283.

Bagama’t inamin ni Tupas na posibleng maapektuhan ang imahen ng Kamara de Representantes sa sandaling maghain si Singson ng guilty plea.

Nilinaw din ni Tupas na ginagawa lamang ng kamara ang kanilang responsibilidad sa bansa bilang mga mambabatas ng kanilang nasasakupan. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply