Sinibak sa trabaho nang walang kadahilanan

BIGYAN natin ng daan ang isang e-mail ng isang gas boy/cashier na  sinibak ng kanyang amo nang wala man lang nakuhang ano pa mang benepisyo na dapat tanggapin ng isang trabahador.

Kasabay rin nito ay ipa-bubusisi natin kay Labor Sec. Rosalinda Baldoz  ang di makatarungang pagkaka-sibak ng trabahador.

Basahin natin ang e-mail ng sinibak na trabahador.

Sir Juan de Sabog, magandang araw sa inyo at sa mga umuugit ng inyong malaganap na pahayagan. Ako ay si Gary Lilio, dating gas boy/cashier sa Caltext C-5 Petroleum na pag-aari ng mag-asawang Gil at Evelyn Ilustre at sila ang idaraing ko sa inyo dahil tinanggal nila ako sa trabaho gayong ilang taon na akong naglingkod sa kanila.

Nagsimula akong magtrabaho sa kompanya ng mag-asawa noong 2003 at nitong Dec. 2010 ay bigla na lang nila akong tinanggal sa hindi  maliwanag na dahilan. Noong una pinapirma nila ako ng kontrata kada limang buwan kaya sa loob ng mga nagdaang taon na ipinaglingkod ko sa kanila, dapat ay regular na ako.

Pero hindi nga ganun ang nangyari hanggang sa bigla na lang nila akong tinanggal. Maraming paglabag sa batas ang ginagawa ng mag-asawang Ilustre hindi lang sa akin kundi sa iba pa nilang mga tauhan.
(itutuloy)

Pulis walang pagod sa pag-orbit

Wala raw pagod sa ka-iikot  sa mga pasugalan at club sa buong Metro Manila itong sina Sgt. Carel at Sgt. Lapuz .

Nagmamayabang daw ang dalawang tulisang pulis na ito na malakas daw sila kay NCRPO chief Gen. Nick Bartolome.

Aba, Gen. Bartolome, alam kong ‘di ninyo kukunsintihin ang mga kumag na mga pulisang pulis na yan! Baka sirain pa nila ang pangalan mo.`

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com.
Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply