Sinungaling ka Arum! – Marquez

“SINUNGALING ka Bob Arum,” ito ang galit na sambit ni WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel Marquez kay Top Rank promoter Bob Arum dahil umano sa maling impormasyon na ipinakakalat nito bilang dahilan kung bakit hindi siya pinili ni 8-division world champion Manny Pacquiao.

Binasag na umano ni Marquez ang pananahimik dahil hindi na niya maatim ang kasinungalingang ipinakakalat ni Arum.

“We accepted everything they put on the table, including the weight, and then they were requesting that Golden Boy Promotions stays away from the negotiations. All of their conditions were accepted, but they refused. It was one thing after another.. nothing but excuses,” ani Marquez.

Unang ipinahayag ni Arum na tinanggihan ni Pacman si Marquez bilang kalaban dahil sa humihingi umano ito ng malaking premyo na doble sa tinanggap nito sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply