Smart-Gilas hilahod sa Al Etihad

LUMAGAPAK ang Smart-Gilas Pilipinas sa nakapanglulumong 73-83 finals ng 22nd Dubai Invitational Basketball Tournament sa Al Ahli Indoore Stadium para ihatid ang Egyptian Team sa korona.

Bunga ito ng kontrobersiyang pagpapatalsik kay 6’10″ naturalization candidate Marcus Douthit sa first quarter dahil sa pagtulak kay Darren Kelly na unang sumiko at sumampal sa kanya sa pagsisimula ng quarter. Kapwa pinatalsik sina Douthit at Kelly sa laro.

Hindi natigatig ang Gilas players sa maagang diskuwalipikasyon ng natatangi nilang import para kabigin ang abante 44-43 sa first half. Subalit sa pamamagitan ng dalawang higanteng import ng Al Etihad ay unti-unting nilamon ang kalamangan hanggang sa pagtatala ng 84-75 na panalo.

Si Mac Baracael ang gumanap na scoring player kahalili ni Douthit sa pagtatala ng 28 points habang si skipper Chris Tiu ay pumuntos ng 12 na dinagdagan nina Aldrech Ramos ng 10 at ni assistant Captball Mark Barroca ng 8.

Sa kabila ng pagkatalo ay umangat ang PH Smart-Gilas sa runner-up position na mataas ng isang baitang sa 3rd place na kinasadlakan noong huling kompetisyon. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply