Smart-Gilas Pilipinas sa PBA

BUO na ang pasiya ng pamunuan ng Smart-Gilas National Team na lumaro sa PBA Commissioner’s Cup sa huling bahagi ng Pebrero.

Layunin ng pagsabak ng Smart-Gilas laban sa 10 professional teams ay upang malinang ang kakayahan nila at mapanatili ang palaban nilang kundisyon habang naghahanda sa pagsisimula ng FIBA Asia Championship sa China sa Setyembre 15-29.

Sa paglahok nila sa Commissioner’s Cup tiniyak ni coach Rajko Toroman na ang 6’10 naturalization candidate na si Marcus Douthit ay makasasama sa team habang inaantabayanan pa ang kanyang Filipino Citizenship na inaasahang lalabas bago ang paglahok nila sa FIBA games.

Bago ang pagdaraos ng champions cup maglalaro ang Smart-Gilas sa Dubai International Tournament sa Enero 20-29, sa FIBA Asia Champions Cup sa Mayo at sa Jones Cup na gaganapin sa Taipei sa Agosto. RT

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply