So, wala pang panalo sa Netherlands chess

TATLONG rounds na pero hindi pa rin mahanap ni Pinoy super grandmaster Wesley So ang mailap na panalo matapos ilista ang ikatlong draw sa third round ng nagaganap na Tata Steel Chess 2011 dating “Chorus International Chess” na ginaganap ngayon sa Wijk Aan Zee, Netherlands.

Nakipaghatian ng puntos si seeded no. 5 So, (Elo 2673) kay Jon Ludvig Hammer, (Elo 2647) ng Norway sa 63 moves ng Queen’s gambit.

Lumanding ito sa 6th hanggang 10th places na may 1.5 puntos habang nagsosolo sa unahan si no. eight seed Luke Mcshane, (2664) ng England na may perfect three points sa event na may 14 players round robin format.

Apat na woodpushers ang nasa second to fifth place na kinabibilangan ni top seed Radoslaw Wojtaszek, (Elo 2726) ng Poland, no. two seed David Navara, (2708) ng Chezcoslovakia, Zahar Efimenko, (2701) ng Ukraine at Gabrilel Sargissian (2667) ng Armenia na may tig-2 points. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply