Solvent boy utas sa lasing

UTAS ang 16-anyos solvent boy matapos pagsasaksakin ng isang lalaking lasing, Martes ng madaling-araw sa Tondo, Maynila

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital si Edwin Maica, out-of-school youth ng Area D Gate 16 Parola compound, Tondo sanhi ng saksak sa katawan.

Tinutugis naman ng awtoridad ang suspek na nakilala lamang sa  alyas “Toyo Igos” ng Parola compound, Tondo na tumakas matapos ang insidente.

Base sa report ni PO3 Efren Flores ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 12:35 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Gate 15, Parola compound, TOndo.

Ang biktima ay nakatayo umano sa nasabing lugar habang sumisinghot ng solvent nang lapitan ng suspek.

Ayon sa pulisya, maaari umanong sinita ng suspek ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang saksakin ng una ang huli.

Agad namang naisugod ang biktima sa pagamutan subalit namatay din. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply