Sotto umalma sa RH Bill

Muling pinalagan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang pagsusulong ng Palasyo sa Reproductive Health Bill (RH Bill)  dahil lalabagin ng panukala ang probisyon sa Saligang Batas hinggil sa karapatan ng “the unborn.”

Sa panayam, sinabi ni Sotto na mas makabubuting atasan na lamang ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Health (DOH) na palakasin ang ilang programa nito sa maternal care kaysa isulong sa Kongreso at gawin itong batas.

“I still have a problem on why we need to legislate that? It is not necessary, all the president have to do is tell the DOH to enhance its program and they are doing it, di ba meron na silang ganun programa, for maternal care, reproductive health, di ba nandun na lahat ng programang yun, why do you want to make it into law? “giit ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na kung puwedeng gawing batas ang isang opinyon ng opisyal ng gobyerno partikular ang pananaw ng ilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino na ipanukala ang RH Bill, maghahain din siya ng isang panukalang nagbabawal sa contraception.

“I have different opinion, so, what if I filed a bill mandating that contraception is illegal o that is my opinion, gusto ba nila yun na ang opinion ko gawin kong batas. Yung opinion nila hindi kailangan gawing batas, yung opinion nila gawin nalang nila wag nang gawing batas,” paliwanag ni Sotto.

Hiniling din ni Sotto sa ilang miyembro ng Gabinete na itigil na ang pagsusulong sa RH Bill dahil tila umatras na si Pangulong Aquino sa pagsuporta sa panukala dahil may isyung lalabagin nito ang Saligang Batas.

“Hindi nga so they are wrong. He is not endorsing the RH Bill, he probably reviewed it and sees that there are issues on constitutionality, particularly section 12 right of the unborn,” giit ni Sotto. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply