Spoelstra pinanalo uli ang Heat

NAGPAMALAS na naman ng bagsik si Fil-Am Miami Heat coach Erik Spoelstra nang gibain ng grupo nila ang Milwaukee Bucks 101-89 kahapon.

Si Dwyane Wade ay kumana ng 34 points habang nagdagdag naman si LeBron James ng 25 points at nine assists sa pagratsada nila sa fourth quarter na halos magpatangis ng katunggali.

“The players probably enjoyed some other games more,” wika ni Spoelstra. “But I think this was an important game. That’s a very physical team. They’re a very good defensive team. A lot of times when you play against them, it’s a grind-out game, and we had to play a different kind of game tonight, have some mental toughness and resiliency when things weren’t necessarily going our way.”

Dinurog din naman ng New York Knicks ang San Antonio Spurs sa iskor na 128-115 habang pinasadsad din ng Dallas Mavericks 84-81 ang Portland Trail Blazers.

Samantala, natuwa ang mga fans ng Memphis Grizzlies nang pataubin nito ang Oklahoma City Thunder 110-105 habang sinuwag nang walang awa ng Chicago Bulls ang Toronto Raptors sa iskor na 111-91. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply