Spurs binusabos ng Celtics

KUMAMADA si Rajon Rondo ng 22 assists, 12 points at 10 rebounds para maitala ang kanyang 11th career triple-double kasama ang anim na steals na tumulong sa Boston Celtics sa paggiba sa San Antonio Spurs 105-103.

Ito ang kauna-unahan ngayong season na ang Spurs (29-6) na mayroon pa ring best record sa NBA, na natalo ang team sa back-to-back games.

Samantala, nasiyahan si Magic coach Stan Van Gundy nang masikwat nila ang 97-87 victory laban sa Milwaukee Bucks na ang ilang atleta ay nagka-injury.

Tinulungan naman ni Sasha Vujacic ang New Jersey Nets sa pagpilay sa Chicago Bulls sa iskor na 96-94 habang pinayuko ng Toronto Raptors ang Cleveland Cavaliers 120-105.

Kasabay nito, nakabawi ang Golden State Warriors laban sa New Orleans Hornets nang makuha ang panalong 110-103 sa tulong ni Monta Ellis na humakot ng 29 points.  Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply