Spurs kinatay ang Wolves

BUMAGSIK pa lalo ang San Antonio Spurs ayon kay coach Gregg Popovich ito ay matapos umiskor si Manu Ginobili ng 21 points sa paggiba nila sa Minnesota Timberwolves sa iskor na 94-91.

Ito na ang 15th straight victory ng grupo laban sa Timberwolves.

“Wins are always good,” ayon kay Popovich. “There has never been a bad win.”

Samantala, walang awang giniba ng Phoenix Suns ang Cleveland Cavaliers na kulang sa tao.

Inani ng Cavs ang 10th consecutive loss nito at sinungkit ng Suns ang 108-100 win.

Sa panalong ito, natapos ng Suns ang kanilang three-game losing streak.

Kasabay nito, nanalo naman ang Los Angeles Clippers laban sa Golden State Warriors 105-91 sa pangunguna ni Eric Gordon habang tinalo rin ng Toronto Raptors ang Sacramento Kings 118-112 sa tulong ni DeMar DeRozan kung saan hindi ito masabayan ni Tyreke Evans ng Kings na naging dahilan upang magka-injury ang huli. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply