Squatters sa San Juan, lalaban sa napipintong demolisyon

NAPIPINTONG simulan ng gulo nang tumangging lisanin ng mga iligal na residente ng Brgy. Corazon de Jesus, San Juan ang lugar kung saan nakatirik ang kanilang bahay matapos magpalabas ng kautusan ang naturang lungsod na mag-evacuate na upang masimulan ang pagtatayo ng bagong city hall.

Nagbigay ang kinauukulan ng 30-araw upang lisanin ang naturang lugar at lumipat na sa inilaang resettlement site sa Caluan Laguna bago pa sumapit ang Enero 25, taong kasalukuyan.

Sa kabila nito, hindi pa rin lumilisan ang mga residente at nagharang pa ng barikada ang mga ito sa daan papasok sa lugar hudyat na handa silang makipaglaban para sa kanilang tinitirikang bahay at nagdaos pa ng vigil.

Tinatayang 2,000 pamilya ang nakatira sa 1.4 ektaryang lupa na idineklara na ng Korte Suprema at Court of Appeals na pag-aari ng pamahalaaan.

Ayon sa isang residente na nakilalang si Conchita Moral,62, treasurer ng grupong Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa sa naturang barangay na handa sila sa anumang komprontasyon na magaganap para protektahan ang kanilang mga bahay sakaling tangkaing gibain ang mga ito anumang araw mula ngayon. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply