SRV pokus ng bagong liderato ng POEA

SINAGOT ng bagong administrador ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga reklamo ng ilang grupo hinggil sa kaniyang ‘appointment’ na umano’y wala siyang karanasan sa pagpapatakbo ng isang ahensiya ng Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa ginanap na press conference sa Ople Hall ng Department of Labor and Employment (DOLE), nilinaw ni Administrator Carlos S. Cao, Jr. na hindi siya ‘bagito’ sa naturang industriya dahil namulat siya sa isang “OFW-dependent family”.

Isang araw matapos ang kaniyang panunumpa kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, umugong ang nasabing mga reklamo mula sa recruitment agencies na siya’y ‘outsider’ sa industriya at wala siyang kakayahan na pamunuan ang ahensiya.

Subalit dahil sa tiwala at kumpiyansa na ipinaramdam ni Baldoz kay Cao na makatutulong sa industriya ang kaniyang kakayanan bilang isang mula sa pribadong sektor.  “I thanked the Secretary for her kind words.”

“He may not have any background on overseas employment, but his experience will definitely provide the DOLE with new ideas,” ayon kay Undersecretary Cruz.

“I would like now to totally dispel the perception that I do not have an OFW experience at all.  I myself grew up in n OFW-dependent family supported by a brother who has been one of the pioneer overseas Filipino workers as early as in the early 1970s.  It is a first-hand OFW experience that truly gave me a humble understanding of the realities of labor migration,” ani Cao.  “I commit to make a difference.”

Aniya, hindi na bago sa kaniya lahat ng tagumpay at kabiguan na naranasan bilang pamilya ng OFWs.

Si Cao, 55, ay produkto ng public school, nagtapos na taglay ang mataas na parangal sa San Jose Elementary School,  San Luis, Pampanga noong 1967 at sa  Baliuag Colleges High School Department noong 1971.  Nagtapos siya ng journalism at abogasiya sa University of the Philippines noong  1978 at 1984.

Isa din siyang dating pastor ng isang sekta ng relihiyon at dating Chief legal Counsel ng Mitsubishi Motors Philippines.

“I see myself not only as an Administrator, but as the “Chief Optimist and the Chief Cheerleader who will bring the ‘heart of God” to the POEA and to the every OFW and their families.”

“Prior to his appointment, Cao was practicing law at El Elyon & Cao Law Office, specializing in labor relations and corporate law. He also served as assistant vice president at Mitsubishi Motors Philippines Corp. (MMPC) in charge of human resource management and corporate planning,” ayon kay Baldoz.

“He was responsible for the implementation of labor-management cooperation programs that won for MMPC the National Sikap-Gawa Award for having the most outstanding LMC program in 1996. He was also instrumental in the formulation of the company’s business planning processes, productivity improvements, and global HR road mapping,” dagdag pa ng Labor Secretary.

Agenda

Nakatakdang ipokus ni Coa ang kaniyang liderato sa tatlong layunin na tinawag niyang SRV; more improved Service delivery; more strengthened Regulations and enforcement; and Values Re-orientation and refocusing.

Nakatakdang ilunsad ilang araw mula ngayon ng POEA ang “Integrity Movement” sa lahat ng empleyado na pangungunahan ng “Integrity Clubs” sa lahat ng organizational units.

“I also long to see the day when the POEA shall also truly mean for all our employees as “Proud and Outstanding Employee Ako!”, diin pa ni Cao.

Marahil, dahil nanaig ang pagiging maka-Diyos at naniniwala ang bagong administrador na ang kalalakihan ang dapat na maghanap-buhay para sa pamilya, iginiit nito na engganyuhin ang kababaihan hangga’t maaari na huwag nang lumabas ng bansa para magtrabaho bilang domestic helpers.

“Although I realize it will need a strong political will to do it, I know that I have to advocate for it since deep in my heart I wish to see that mothers should stay in the country to take care of their brood, and not to rock the cradles of different nationalities.”

Dapat aniya na ang kalalakihan o ang mga asawa ang isailalim sa mga pagsasanay sa tulong ng TESDA para sa mga trabahong pwedeng aplayan sa abroad.

Kumpiyansa din si Coa na dapat na balanse ang jobs generation na hindi naisasalang-alang ang kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipinong manggagawa sa abroad.

“I also share the position that deployment should focus on high value jobs and on more skilled and professional workers.”

Nangako din ang bagong administrador na dahan-dahan niyang aayusin ang mga problema ng dumarating na OFWs at iba pang isyu na nangangailangan ng mabilis na aksiyon habang nasa POEA.

Livelihood program para sa mangingisda

Nanawagan si Sen. Chiz Escudero sa pamahalaan na isama sa disaster management plan ang pagtugon sa kawalan ng hanapbuhay ng mga mangingisda sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad.

Kumpiyansa si  Escudero na maraming mangingisda ang lakas-loob na pumapalaot sa kabila ng bagyo o malakas na ulan dahil ito lamang ang kanilang hanapbuhay.

“Nakalulungkot na sa kabila ng maagap na pagpapalabas ng babalang pangkaragatan, marami pa ring mangingisdang nasasawi o di kaya’y nawawala sa karagatan dahil hindi nila inaalintana ang nakaambang panganib sa dagat. Ginagawa nila ito dahil kpag hindi naman sila pumalaot, hindi kakain ang kanilang pamilya”.

Upang maiwasan ang ganitong mga trahedya, inirekomenda ng mambabatas na  dapat  bumalangkas ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng  livelihood programs para sa mga pamilyang umaasa sa yamang-dagat para sa kanilang hanapbuhay.

Ang mga mangingisda at pamilya nito ang madalas na unang naaapektuhan kung may bagyo at malakas na pag-ulan. Inaasahang tatama sa  Pilipinas ang mahigit sa 20 bagyo.

“Hindi lamang dapat nakatuon ang atensyon ng pamahalaan sa panganib na dulot ng mga kalamidad,  kung paano maiiwasan ang pagkawala ng buhay at mga relief and rehabilitation operations,” ayon kay Escudero. “Dapat pagtuunan din ng pansin ng bumubuo ng NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) angpagbibigay ng hanapbuhay sa mga apektadong pamilya. Walang may gustong isuong ang kanilang buhay sa panganib para lamang makakain kung may iba silang pagkukunan,” giit pa nito. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply