STAR: Highway na barangay road

ITINUTURING na isang superhighway sa bansa ang Southern Tagalog Arterial Road o STAR.

Pero superhighway nga ba ito?

Siyempre naman.

May toll booth na naniningil ng mahal.

Ang bibilis din sa pagtakbo ng mga sasakyan diyan. Kaya nga, kung may disgrasya, grabe.

Hindi nga ba nawasak ang isang dyipni na binangga ng isang bus diyan kamakalawa?

At namatay ang pito katao na pawang magkakamag-anak.

Pero tisoy yang highway na yan.

Mula sa bayan ng Sto. Tomas hanggang Lipa City, highway yan kung ituring.

Pero mula sa Lipa City hanggang Batangas City, hindi na highway yan kundi parang barangay road, kahit pa may toll booth sa dulo nito sa Batangas City.

Bakit parang barangay road?

Aba, sabi nga ni Department of Transportation and Communications Undersecretary Dante Velasco, hindi man lang nadadamuhan ang paligid ng kalsada at gumagapang ang damo papunta sa gitna.

Maliban dito, masikip na, wala pang divider o malinaw na linya sa gitna bilang gabay ng mga nagsasalubong na sasakyan.

Yung kabilang lane ay hindi pa ginagawa at pilit na pinagkakasya ang isang lane na dapat sana ay para lang sa iisang direksyon.

Wala ring emergency bay o ilaw.

Kaya kung masiraan ka, bahala ka sa buhay mo.

Kung masagi ka o salakayin ka ng magnanakaw, bahala ka rin sa buhay mo.

Wala ring siguradong emergency vehicle o ambulansiya na aalalay sa iyo sa oras ng sakuna gaya ng nangyari sa mga nadisgrasya na kinamatayan nga ng mga magkakamag-anak.

oOo

Bakit natin tinatalakay ito?

Aba, sumasabay ang highway na ito sa iba sa paniningil ng mahal na toll.

Kung naniningil ito ng mataas na toll, dapat na mayroon itong mataas na uri ng mga serbisyong para sa ligtas na paglalakbay.

Eh paano makakamit ito kung wala nga ang mga nabanggit nating mga serbisyo na kakambal ng isang superhighway?

Dapat pananagutin din ang mga operator ng STAR sa naganap na sakuna at hindi basta ang mga driver lang ng mga sasakyan gaya ng gusto yatang palabasin maging ng Toll Regulatory Board.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply