Star Tollways mananagot sa mga aksidente – DOTC

MAY pananagutan ang kumpanyang namamahala sa Star Tollways sa anim na aksidenteng naganap sa nasabing kalsada kung saan ay pito na ang nasawi, ayon Department of Transportation and Communications (DOTC).

Sinabi nitong Martes ni DOTC Secretary Ping de Jesus na inimbestigahan na ang posibleng kakulangan ng Star Tollways sa pagbibigay seguridad at paalala sa mga motorista upang maging ligtas ang pagbagtas sa nasabing tollway.

Kulang umano sa mga babala o “signages” kung gaano kabilis ang dapat takbuhin ng mga motorist at mga ilaw sa daanan, lalo na kung gabi.

Gayundin, hindi rin anya sapat ang bilang ng mga guwardiyang nagpapatrol at naninita sa mga motoristang pasaway.

Bukod dito ay masyadong makipot umano ang kalsada para sa mga mabibilis magpatakbo, lalo na sa mga pakurbang bahagi nito.

Posible umanong irekomenda ng DOTC na ihinto muna ang pagsingil sa mga motoristang dumadaan sa tollway hangga’t hindi nakukumpleto ang “safety features” dito.

Ang tollway ay nagdudugtong sa Lipa City at Batangas City. Ben Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply