Strain flu nakamamatay

INALERTO ng mga eksperto sa kalusugan ang publiko sa bagong strain flu o simpleng trangkaso lamang dahil ito ay lubhang mapanganib at maaaring ikamatay ng sinuman.

Ayon kay Dr. Catherine Yu, pinuno ng infectious diseases and infection control service ng St. Luke’s Medical Center (SLMC)  sa Quezon City, ang tawag sa nakamamatay na sakit ay Legionella infection.

Ani pa ni Yu, ang mahirap sa ganitong uri ng sakit ay may mga karaniwang sintomas lamang na maaaring mapagkamalang trangkaso lamang tulad ng mataas na lagnat, sakit ng ulo, sipon, pananakit ng kasu-kasuan o mga buto sa katawan at ubo.

Nakukuha aniya ang naturang sakit sa mga gusali o lugar na may centralized aircondition at cooling towers.

Base sa datos ng World Health Organization (WHO), idineklara na ang legionnaries outbreak disease sa mga bansang Estados Unidos, Indonesia, Australia at Inglatera kabilang  na rito ang 22 reported cases.

Sa kamasaang palad, dalawa na ang iniulat na namatay sa nasabing sakit at pinangangambahan pa itong magdagdagan habang ang panahon ay patuloy na malamig.

Dahil dito, pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na magpatingin agad sa espesyalista kapag nakaramdam ng mga nabanggit na sintomas. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply