Suntok ginto, suntok sa buwan?

PINAYUHAN kahapon ng mga kritiko ang SGV & Co. at Amateur Boxers Association of the Philippines (ABAP) na ibili na lamang ng mga kagamitan ang milyon-milyong ginagastos nito sa pagpapa-ads ng adbokasiyang ‘Suntok Ginto’ na namamayagpag umano ngayon sa iba’t ibang istasyon ng radyo, pahayagan at telebisyon.

Natuklasan na ang maiipong pondo umano, ayon sa SGV & Co., ay ibibili ng mga kagamitan o pandagdag sa world-class training, pag-improve ng facilities at pagbibigay ng international exposure ng mga boksingero upang mahasa at madagdagan ang experience at confidence sa boxing sports.

Naniniwala umano ang ABAP na sa pagtulong-tulong ng ating mga kababayan na pondohan mismo ang ating boksingero na ang ginto ay hindi na suntok sa buwan at mapapalakas ang laban ng  mga boxers upang malaman ng mundo na ang ‘Pinas ay isang boxing powerhouse.

Subalit naniniwala naman ang mga kritiko na hindi tanga o bobo ang mga Pinoy para basta na lang maniwala sa ads ng ABAP at SGV & Co. lalo pa’t hindi maliwanag kung sa paanong paraan ito makararating sa mga boksingero.

Sa record, ang Pilipinas ang may hawak ng kartadang may pinakamaraming Olympic medals ngunit walang ginto.

Taglay na ng bansa ang 9 medalya, 2 silver at 7 bronze kung saan sa siyam na ang mga medalya, lima doon ay nakamit sa hanay ng boxing.

Kasabay nito, nananawagan naman ang mga kritiko kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo “Richie” Garcia na tutulan ang mga ginagawang panghihingi ng donasyon ng ABAP at SGV & Company dahil mistula umanong pinagkakaperahan lamang ang mga kawawang boksingero.

Lubhang kaduda-duda umano ang ginagawa ng ABAP dahil maaari naman umanong hilingin na lang sa Kongreso na magpasa ng batas na magbibigay ng malaking budget sa boxing sports body ng bansa.

“Parang extortion ang ginagawa nila. Kaya yata ginagawa iyan dahil wala namang maghahanap ng financial report kung magkano ang makakalap nila. Kaya, ‘yung ginagastos nila sa ads sa TV at radyo ay babawiin din nila sa tao? Tanga’t bobo  ba tayong mga Pinoy para basta na lang maniniwala sa panlilinlang nilang ito?” tanong pa ng kritiko sa panayam ng Remate Sports.  Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply