Supervisor ng Smart kinatay sa sariling sa bahay

TADTAD ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang bading nang  makita sa kanyang inuupahang studio type room sa Sta., Ana Manila, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Albert Clarence Bondoc, 31, supervisor ng Smart Credit and Credit Collection Department, tubong Pampanga at residente ng 1-8 2372 Nickel st. San Andres Bukid, Sta. Ana, Maynila.

Sa report, dakong 12 ng madaling-araw nang makita ang bangkay ng biktima sa kanyang inuupahang studio type room.

Lumalabas na may pitong saksak sa likod, lima sa harapan, saksak sa ulo at mga braso ang biktima.

Nawawala rin umano ang Apple Ipod at ilang mamahaling gamit ni Bondoc.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang mga kalapit kuwarto, alas 10 ng gabi nang dumating sa kanyang  unit.

Sa pahayag ng hindi nagpakilalang kapitbahay ng biktima, may dalawang lalaki umanong nag-iinuman na pawang nasa edad 18-25 ang inabutan ng una sa kanyang unit.

Ang nasabing mga lalaki ay ang binigyan ng duplicate na susi ng biktima.

Ala-1 ng madaling-araw nang makarinig siya ng mga ungol at sigaw pero hindi niya pinansin dahil agad din umanong tumahimik ang lugar.

Dakong alas 5:30 na ng umaga, nang mapansin nila na may umaagos na dugo sa pintuan ng bahay ng biktima kaya agad nilang ipinagbigay alam sa caretaker ng gusali na siya namang nagbukas ng pintuan.

Dito na nakita ang bangkay ng biktima.

Pinaghahanap na ng pulisya ang dalawang lalaki na posibleng may kagagawan sa krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply