Supplier ng PNP kinasuhan ng tax evasion

Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang supplier ng gasolina at office supplies ng Philippine National Police (PNP) dahil sa kabiguan nitong magbayad ng tamang buwis para sa taong 2009.

Ang mga kinasuhan ay kinilalang sina Lilian Lopez Pimentel ng 111 Scout De Guia st. Quezon City, sole proprietor ng LLP Trading at ang accountant nito na si Danilo Lincod.

Base sa nakuhang impormasyon ng BIR mula sa PNP,lumalabas na idineklara lamang ni Pimentel ang kanyang kita sa halagang P184,167,860.27 na mas mababa kumpara sa idineklara nito sa BIR sa kanyang 2009 income tax return.

Sa pag-aaral ng BIR, umaabot sa P121 million ang hindi binayarang buwis ni Pimentel, P96 milyon dito ay income tax at mahigit P24 milyon ay value added tax.

Nilinaw ni BIR Commissioner Kim Henares na sa ilalim ng Tax Code, na ang hindi tamang deklarasyon ng income tax na mahigit sa 30 porsiyento  ay kinokonsidera na matibay na ebidensya ng pandaraya .

Isinama ng BIR si Lincod na isang CPA lawyer sa mga kinasuhan dahil sa pakikipagsabwatan diumano nito kay Pimentel sa paglalabas ng sertipikasyon batay sa income payments na malaking halaga ang kakulangan gayong alam nito na malaki ang mga naging transakyon ni Pimentel. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply