Suspects sa Evangelista slay madidiin sa kaso

MATIBAY ang ebedensiya ng PNP para ma–convict ang mga suspek sa Venson Evangelista

SAPAT umano ang ebedensiya ng Philippine National Police (PNP) upang ma-convict ang mga suspek sa carjacking at pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista.

Ayon sa ulat, itinuturong mastermind sa kasong carnapping at pagpatay kay Evangelista ang magkapatid na Raymond at Roger Dominguez na sinasabing lider ng carnapping syndicate .

Giit ng PNP,hindi ordinaryong mga imbestigador ang may hawak ng kaso kaya mapagkakatiwalaan ang mga nakuhang testimonya at physical evidence.

Napag –alaman pa na patuloy ang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang sinasabing protectors ng sindikato na pulitiko o miyembro mismo ng PNP.

Samantala,sinampahan na kanina ang siyam na respondent ng kasong murder at paglabag sa R.A 6539, anti– Carnapping Law sa sala ni Quezon City Prosecutor Sulivam Usman ayon sa PNP Special Investigation Task Group.

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina Alfred Mendiola, Batibot Parulan at 7 at-large na kinilala sa mga alyas Joel, Rolly, Jason, dalawang John Does.

Una rito, Sabado ng gabi isinagawa ang “marathon inquest proceedings”laban sa mga naarestong suspeks na sina Mendiola at Parulan.

Napag –alaman kay Quezon City Police Dir. C/Supt. Benjardi Mantele, maliban kay Mendiola at Parulan, kasamang kinasuhan ang iba pang miembro ng sindikato. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply