Suspek sa ‘gift bomb’ sa Taguig, arestado na

ARESTADO na ng awtoridad ang isa sa suspek sa “gift bomb” case sa Taguig na ikinamatay ng isang ginang noong nakaraan Disyembre.

Ayon sa paunang ulat ni  Sr/Supt. Federico Castro, pinuno ng binuong Task Group Mahogany, ang hawak nilang suspek ay ang babae na sinasabing nagbigay ng regalo na may lamang bomba sa biktimang si Yvonne Chua.

Una nang inihayag ng awtoridad na kabilang sa mga anggulong kinokonsidera sa kaso ay away sa pamilya.

Maalala na noong December 29, 2010 isang regalo ang natanggap ng biktima subalit nang buksan  ay sumabog dahil sa lamang granada.

Sa kasalukuyan hindi pa inihahayag ng awtoridad ang pangalan ng babaeng suspek na naaresto. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply