Suspensyon ng bus companies, pinalagan

BINATIKOS ng militanteng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa desisyon nitong kanselahin at suspendihin ang prangkisa ng bus operators na nagsagawa ng Bus Transport Strike noong November 15, 2011

Ang  pagbatikos ay kaugnay sa ginawang ng bus companies sa pagtutol sa pagpapatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng Number-Coding sa mga metro at provincial buses.

Ayon kay PISTON Secretary General George San Mateo,  sa pamamagitan ng naturang desisyon ng LTFRB Board, malinaw na “political harrassment” ang ginagawa ng gobyernong Aquino sa bus transport sector sa layuning sindakin ang buong hanay sa public land transport sector sa paggamit sa Transport Strike bilang lehitimong sandata ng mga tsuper at operators sa pakikipaglaban para sa  demokratikong karapatan, kabuhayan at hustisyang panlipunan.

Binuweltahan din ni San Mateo si LTFRB Board Member Manuel Iway sa naging pahayag nito na hindi umano “kukunsintihin ng estado ang kapritso ng transport groups na nagbabalak magsagawa ng mga welga kontra sa sumisirit na oil price hikes.

Sinabi pa ni San Mateo, dulot sa naging desisyon ng LTFRB na may implikasyon sa buong transport sector ay makikipagpulong umano ang PISTON sa iba’t ibang transport groups sa hanay ng jeepney, bus, taxi, AUV/FX upang pag-usapan at magkaroon aksyon ang transport sector kontra sa pananakot ng LTFRB.

Binigyang-diin pa ni San Mateo na sa katunayan ang PISTON at iba pang transport groups sa Metro Manila at iba pang rehiyon ay magsisimula nang maghanda para sa pagkakasa ng nationwide transport strike oras na umalagwa pa nang husto ang oil price increases at overpricing sa langis na sa ngayon ay nasa P6.73 na bawat litro. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply